Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, bumaba sa higit 12,800

Mula sa 13,243 active cases sa katapusan ng Hunyo, bumaba na sa 12,813 ang mga nagpapagaling o ginagamot pa sa COVID-19 sa CALABARZON.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON nitong July 1.

Kabuuang 575 ang naitalang bagong kaso ng COVID habang 995 ang bagong gumaling mula sa sakit sa rehiyon.

Umabot naman sa 10 ang bagong pumanaw kaya 5,659 ang kabuuang namatay dahil sa virus sa Region IV-A.

Sa kabuuan ay 190,490 ang kumpirmadong nahawan ng COVID sa CALABARZON habang 172,018 pasyente ang nakarekober.

Moira Encina

Please follow and like us: