Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, mahigit 20,000 na lang

Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON nitong October 21, umaabot na lang sa 20,209 ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Ito ay mula sa mahigit 41,400 na naitalang active cases noong Oktubre 1.

Kabuuang 969 ang bagong nagpositibo sa virus habang may bagong recoveries na 3,469 at bagong pumanaw na 68.

Umaabot sa 377,326 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa Region IV-A mula noong nakaraang taon.

Mula sa nasabing bilang, gumaling na ang 345,917 at pumanaw ang 11,200.

Moira Encina

Please follow and like us: