Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat na sa mahigit 6,000

Lagpas na sa 6,000 ang aktibong kaso ng COVID -19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH Center For Health Development- CALABARZON, kabuuang 6,220 ang active cases ng COVID sa Region IV-A.

Ito ay matapos madagdagan ng 466 na bagong kaso ng mga nahawahan ng virus ang rehiyon.

Aabot naman sa 84,139 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID sa CALABARZON mula noong nakaraang taon.

Pero, gumaling na mula sa sakit ang 75,508 COVID patients habang pumanaw ang 2,411.

Pinakamaraming active cases sa Cavite na 2,267, sumunod ang Rizal na 1,715 at pangatlo ang Laguna na 1,365.

Moira Encina

Please follow and like us: