Aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna, mahigit 600 na lang

Aabot na lamang sa mahigit 600 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office, mayroon na lamang 662 COVID patients ang patuloy na ginagamot at nagpapagaling.

Kabuuang 16,573 pasyente naman ang nakarekober na mula sa sakit habang pumanaw ang 406.

Ang may pinakamaraming aktibong kaso ay sa San Pablo City na 111, sumunod ang Calamba City na 87, at pangatlo ang San Pedro City na 59.

Ang ibang mga bayan at lungsod sa Laguna ay nasa 44 pababa na lang ang mga aktibong kaso.

Moira Encina

Please follow and like us: