Aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna, mahigit 900 na lamang

Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office, aabot na lamang sa 938 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID sa lalawigan.

Kabuuang 14,787 naman ang gumaling na mula sa sakit habang 335 ang pumanaw.

Mahigit 100 na lamang din pababa ang bilang ng mga active cases sa mga lungsod at bayan sa Laguna.

Pinakamarami ay sa Calamba City na mayroon pang 195 na COVID patients,  sumunod ang Sta Rosa City na 124, at San Pedro na 105 active cases.

Sa kabuuan, mayroong naitalang 16,060 na kumpirmadong kaso ng COVID sa Laguna.

Moira Encina

Please follow and like us: