Aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna, muling tumaas

Nadagdagan muli ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Noong Pebrero 12, bumaba na ang kaso ng COVID sa Laguna sa 390.

Pero sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office, umakyat sa 458 ang active COVID cases sa lalawigan.

Dahil dito, aabot na sa 20,224 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng virus sa Laguna.

Gumaling na mula sa sakit ang 19,248 habang pumanaw ang 518 pasyente.

Pinakamaraming active case sa Calamba City na 126 na sinundan ng San Pablo City na 72, at Cabuyao na 42.

Moira Encina