Aktibong kaso ng Covid-19 sa Laguna, nasa mahigit 1,000 na lamang

Aabot na lamang sa mahigit 1,000 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Laguna.

Sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office, kabuuang 1,533 na lamang ang mga Covid patient sa lalawigan na nagpapagaling o ginagamot pa.

Ito ay matapos makarekober na mula sa sakit ang 12,315 indibidwal na nahawahan ng virus.

Mayroon naman 262 pasyente na pumanaw dahil sa Covid.

Sa kabuuan, 14,110 ang naitalang kumpirmadong kaso ng Covid sa Laguna.

Pinakamarami sa mga kaso ay mula sa Calamba City na umabot sa 3,441.

Moira Encina

Please follow and like us: