Aktibong kaso ng COVID sa CALABARZON, bumaba sa 47,625

Mula sa 48,284 na aktibong kaso ng COVID-19 noong September 22, bahagyang bumaba sa 47,625 ang active cases sa CALABARZON nitong September 23.

Sa datos ng DOH CALABARZON, nadagdagan ng 2,771 bagong kaso ng virus ang rehiyon.

Gayunman, gumaling ang bagong 3,309 pasyente habang may bagong pumanaw na 121.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 326,441 ang kumpirmadong nahawahan ng sakit sa Region IV-A mula noong nakaraang taon.

Mahigit 269,000 sa mga nagpositibo ay gumaling na habang lagpas 9,000 ang pumanaw.

Moira Encina

Please follow and like us: