Aktor na si Robin Padilla, sasabak na rin sa 2022 Elections

Sasabak na rin sa Senatorial race para sa 2022 Elections ang aktor na si Robin Padilla.

Si Padilla ay nanumpa na bilang bagong miyembro ng ruling party na PDP-Laban kasama ang kaniyang kapatid na si Rommel.

Si Robin ay isa sa 12 kandidato na isasabak ng administration party sa Senado habang ang kaniyang kapatid ay kakandidatong kinatawan ng unang distrito ng Nueva Ecija.

Ang aktor ay kabilang sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, katunayan ay isa ito sa mga nangampanya sa kanya noong 2016 elections.

Sinabi ni Atty. Melvin Matibag, Secretary-General ng partido na ilalabas na nila ngayong linggo ang kumpletong listahan ng kanilang Senatoriables.

Meanne Corvera

Please follow and like us: