Alert level 2 sa NCR at iba pang lugar sa bansa hanggang February 28 pinanatili ng IATF

Matapos magsagawa ng assessment at ebalwasyon ang Inter Agency Task Force o IATF mananatili sa Alert level 2 ang Metro manila hanggang February 28 kasama ang iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles bagamat patuloy na bumababa ang kaso ng COVID- 19 hindi pa inirerekomenda ng mga health experts na ilagay na sa Alert level 1 ang National Capital Region o NCR ganito rin ang paninindigan ng Metro manila mayors.

Ayon kay Nograles patuloy na binabantayan ng mga health experts ang 2 weeks positivity rate at average daily attack rate ng COVID-19 ganun din ang health care utilization sa Metro manila lalo na at nag-umpisa na ang pangangampanya ng mga kandidato para sa halalan sa Mayo.

 Vic Somintac

Please follow and like us: