Alkalde at bise alkalde ng Floridablanca sa Pampanga, muling kakandidato sa darating na halalan

Muling kakandidato bilang alkalde si Mayor Darwin Manalansan at Vice Mayor naman si Michael Galang sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga, sa ilalim ng partido LAKAS-CMD.

Katunayan, kahapon (Oct.1), ay magkasabay na nagtungo sa tanggapan ng COMELEC si Manalansan at Galang, kasama ang mga tatakbo ring konsehal sa ilalim ng nabanggit na partido, upang maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Ito ay upang gawin nang opisyal ang kanilang pagkandidato bilang alkalde at bise alkalde ng Floridablanca.

Anila, ipagpapatuloy nila ang mga isinasagawang proyekto bilang serbisyo publiko.

Arnold Batario

Please follow and like us: