Alokasyon ng COVID-19 vaccines na natanggap ng CALABARZON, mahigit 900,000 na

Halos isang milyon ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap na ng CALABARZON mula sa nasyonal na pamahalaan.

Sa datos mula sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 906,580 alokasyon ng CoronaVac at AstraZeneca ang natanggap ng rehiyon.

Mula sa nasabing bilang, mahigit 503,700 doses ang naiturok na sa nasa A1 hanggang A4 vaccine priority list sa Region IV-A.

Samantala, lagpas na sa 110,000 ang fully vaccinated na indibidwal sa CALABARZON habang higit 420,700 ang nabakunahan na ng unang dose ng anti- COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: