Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, higit isang milyon na

Lagpas na sa isang milyong bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng CALABARZON mula sa nasyonal na pamahalaan.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON noong June 13, kabuuang 1,054,030 anti- COVID vaccines ang naibigay sa CALABARZON.

Sa nasabing bilang ay mahigit 709,000 doses na ang naiturok.

Samantala, nagkaroon na rin ng suplay ng Pfizer vaccines ang Region IV-A bukod sa CoronaVac, AstraZeneca, at Sputnik V.

Inisyal na 5,850 doses ng bakuna ng Pfizer ang natanggap ng rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: