Amyenda sa Anti-money Laundering Law, lusot na sa Ikalawang pagbasa sa Senado

Inaprubahan na ng Senado sa second reading ang panukalang batas na magpapalakas sa Anti-Money Laundering Act of 2021 o AMLA.

Sa Senate Bill No. 1945 na inendorson ni Senador Grace Poe, sinabi nito na maiiwasan na malagay sa gray list ng Financial Action Task Force ang Pilipinas.

Kasama kasi sa amyenda na maisama ang mga offshore gaming operators at kanilang mga service providers sa babantayan at dapat i-regulate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito’y para maiwasan ang anumang Money Laundering activities sa Pilipinas gamit ang mga Internet based casino.

Palalakasin na rin ang Investigative powers ng Anti-money Laundering Council kung saan bibigyan ito ng otorisasyon na magpataw ng financial sanctions.

Meanne Corvera

Please follow and like us: