Anak Kalusugan partylist, United transport coalition , Lumagda sa kasunduan

Lumagda sa isang kasunduan at alyansa ang Anak Kalusugan Partylist at United Transport Coalition para isulong ang pagbibigay ng proteksyong pangkalusugan sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan.

Ngayong may COVID-19 pandemic tulad ng mga medical frontliners, nalalagay rin sa panganib ang kalusugan ng mga PUV drivers.

Pero wala silang nakukuhang suporta para makapagpagamot sakaling mahawa sa pandemya.

Isinusulong ng Anak Kalusugan ang pagbibigay ng healthcare package tulad ng libreng check up, malibre sa VAT ang kanilang maintenance medicine hanggang hospitalization kasama na ang kanilang pamilya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: