Anim na offsite passport services binuksan ng DFA

Inilunsad ng Department of Foreign Affairs ang temporary off-site passport services sa Metro Manila para ma-accomodate ang mga nag-aaplay ng pasaporte.

Opisyal na binuksan nina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin at Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brigido J. Dulay ang mga off-site passport services sa Mall of Asia, Aura, North Edsa, Robinsons Magnolia, at Ayala malls.

Maaaring ma-accomodate sa mga off-site na ito ang mahigit 177, 500 na mga passport application.

Bukas ito hanggang katapusan ng Setyembre.

Inihayag naman ni Locsin na magbubukas rin sila ng mga off-site passport sa mga lalawigan dahil sa mataas na demand para sa passport application at renewal.

Ang mga aplikante na nais mag-renew ng kanilang pasaporte ay maaaring mag-book ng kanilang appointment sa online appointment system na passport. gov. ph

Meanne Corvera

Please follow and like us: