Anu-ano ang mga bawal sa ilalim ng GCQ with Heightened Restrictions?

Narito ang mga ipinagbabawal at pinapayagang aktibidad sa loob ng General Community Quarantine with Heightened Restrcitons:

Mga Bawal na Aktibidad:

  1. Hindi pinapayagan ang non-essential travel palabas at papasok ng NCR plus maliban sa Persons Authorized Outside Residence (APOR)
  2. Hindi pa rin pinapayagang lumabas ng bahay ang 17 years old pababa, at ang mga may edad na 66 years old pataas.
  3. Hindi maaaring magbukas ang mga entertainment venue tulad ng bars, concert halls, at theaters; recreational venues gaya ng internet cafes, billiards halls, at arcades; amusement parks,fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts, venues at indoor tourist attractions; venues for meetings, conferences, at exhibitions.

Mga aktibidad na Pinapayagan:

  1. Pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.
  2. 10% ng venue capacity para sa religious gatherings, necrological services, lamay sa patay,, inurnment at funerals (kung hindi COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay). Update as of May 21, 2021: Pinayagan na ng IATF ang hanggang 30% ng venue capacity para sa religious gatherings.
  3. 20% seating capacity para sa Indoor dine-in services
  4.  50% seating capacity para sa outdoor o al fresco dining
  5.  30% para sa outdoor tourist attraction
  6.  Outdoor non-contact sports, games, exercises
  7. 30% capacity para sa personal care services na hindi kailangang maghubad ng mask gaya ng salons, parlors, at beauty clinics
  8. Specialized markets ng Department of Tourism

Alamin ang bagong quarantine protocols na ipatutupad sa ibat-ibang lugar simula Mayo 16 hanggang Mayo 31, 2021. Click here.

Please follow and like us: