Apat na pasahero ng isang motorbanca na muntik nang lumubog sa bahagi ng Palawan, nailigtas ng PCG

Ligtas na ang apat na pasaherong sakay ng isang motorbanca sa bahagi ng karagatan ng Brother Island, Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang mga pasahero ay nagtungo sa Provincial Government ng Palawan sa Barangay San Fernando, El Nido upang kunin ang mga medical supplies para sa Barangay Binudac, Culion, Palawan.

Habang naglalayag nakasagupa sila ng malalaking alon na bahagyang puminsala sa freeboard ng motorbanca at naging sanhi ng muntik nang pagkalubog ng bangka.

Agad naman silang na-rescue ng seartch and recsue team ng PCG at hinila ang kanilang motorbanca patungo sa San Fernando Roro port.

Nasa maayos nang kalagayan sa ngayon ang mga nailigtas na indibidwal.

Please follow and like us: