Apat sa anim na tumakas na bilanggo sa Israel, muling naaresto

Muling nadakip sa Israel ang apat sa anim na Palestinian militants na tumakas mula sa isang high-security prison.

Simula nang mangyari ang jailbreak noong Lunes, nagpakalat na ng tropa ang army sa West Bank para sa isang massive manhunt.

Ang dalawang takas na huling naaresto na ang isa ay prominenteng dating militant leader habang ang isa ay ang umano’y utak sa pagtakas, ay natagpuang nagtatago sa isang lorry park na nasa labas lamang ng Nazareth.

Si Zakaria Zubeidi ay isang dating militant leader ng Fatah movement ni Palestinian president Mahmud Abbas sa West Bank town ng Jenin, habang si Mahmoud Ardah naman ay nasentensiyahan ng habang buhay na pagkabilanggo noong 2002 dahil sa kaniyang papel sa armed wing ng Islamic Jihad.

Ayon sa pulisya . . . “Two more prisoners who escaped were captured while they were hiding in a parking lot for trucks. They offered no resistance when they were arrested in the south of Nazareth. The hunt for the other two fugitives continues.”

Ayon sa Israel, ang mga pulis ay inalerto ng mga residenteng nakakita ng dalawang lalaking naghahanap ng pagkain sa mga basurahan.

Mula nang makatakas ang anim na bilanggo sa high-security Gilboa prison sa pamamagitan ng paghuhukay ng isang tunnel sa ilalim ng lababo ng selda, nagsagawa na ng malawakang search operation ang Israel police at mga tropa ng pamahalaan.

Isinara rin ng army ang lahat ng checkpoints na kumokonekta sa Israel at east Jerusalem, upang mapigilang makalusot ang mga ito sa Palestinian population centers.

Ang Nazareth kung saan naaresto ang apat na takas ay may malaking bilang ng Arab population.

Ang anim na takas ay pawang miembro ng Palestinian militant groups, na hinatulan ng mga korte sa Israel, dahil sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga pag-atake laban sa Israel.

Samantala, inanunsiyo ng Israel ang isang pormal na imbestigasyon kung ano ang mga naging kakulangan kayat nakatakas ang anim na bilanggo.

Please follow and like us: