Aplikante para sa limang bakanteng puwesto sa Court of Appeals, umabot sa 39

Inilabas ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pangalan ng mga ikinukonsiderang aplikante para sa limang bakanteng associate justice post sa Court of Appeals.

Kabuuang 39 na aplikante ang naghahangad para maging mahistrado ng CA.

Una nang binuksan noong Hulyo ng JBC ang aplikasyon o nominasyon sa nasabing CA posts.

Kabilang sa mga nabakanteng puwesto ay ang associate justice posts nina Justices Ricardo Rosario at Priscilla Baltazar- Padilla na parehong itinalaga na mahistrado ng Korte Suprema noong 2020.

Gayundin, ang posisyon ni Justice Remedios Salazar-Fernando na hinirang na CA Presiding Justice noong November 2020.

Hinimok naman ng JBC ang publiko na sagutan sa website nito ang survey ukol sa mga concerns o komento sa mga aplikante para matiyak ang mga kuwalipikasyon nito bilang CA justices.

Moira Encina

Please follow and like us: