AstraZeneca, gagamitin ang bahagi ng Russian Covid vaccine sa clinical trials

MOSCOW, Russia (AFP) — Sinabi ng Russian branch ng pharmaceutical giant na AstraZeneca, na gagamitin nito ang bahagi ng homemade Sputnik V vaccine ng Russia sa mga gagawin pa nilang

Sa isang pahayag na nalathala sa kanilang website kapwa sa English at Russian languange, ay inanunsyo ng AstraZeneca ang isang clinical trial programme para i-asses ang safety at immunogenicity ng kombinasyon ng AZD1222 na dinivelop ng AstraZeneca at Oxford University, at Sputnik V na dinivelop naman ng Russian Gamaleya Research institute.

Ayon sa pharmaceutical company, i-e-enroll nila sa trials ang lampas sa edad na 18.

Ang AZD1222 at Sputnik V vaccines ay kapwa gumagamit ng human adenovirus vectors.

Sa pahayag naman ng Direct Investment Fund ng Russia na siyang nagpondo sa development ng Sputnik V, sinabi nito na noong November 23 ay inialok nito sa AstraZeneca na gamitin ang dalawang vectors ng Sputnik V vaccine sa karagdagang clinical trials ng sarili nilang bakuna, na inaasahang magsisimula bago matapos ang 2020.

Ayon pa sa AstraZeneca, “Combinations of different COVID-19 vaccines may be an important step in generating wider protection through a stronger immune response and better accessibility.”

Ang Russia ay isa sa naunang mga bansa na nag-anunsyo ng pagdevelop ng isang coronavirus vaccine, na pinangalanan nilang Sputnik V, na halaw sa Soviet era satellite.

Nitong nakalipas na linggo, sinimulan na ang Russia ang isang large-scale public vaccination drive, kung saan ang bakuna ay una nilang ibinigay sa medics at iba pang mga tao na nasa “risk groups.”

Bagama’t ang bakuna ay hindi pa nakakumpleto ng ikatlo at final phase ng trials, sinabi ng developers na ang interim trial results nito ay nagpakita ng 95 percent efficacy.

Una nang sinabi ng British-Swedish drugmaker na AstraZeneca, na ang kanilang bakuna ay may average na 70 percent effecacy.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: