Atty. John Rex Laudiangco, muling itinalaga bilang acting Comelec Spokesperson

Muling itinalaga ng Commission on Elections si Atty. John Rex Laudiangco bilang kanilang acting spokesperson.

Sa isang pahinang memorandum na pirmado ni Comelec OIC Commissioner Socorro Inting, nakasaad na si Laudiangco ay magsisilbi pa ring acting spokesperson ng poll body.

Ito ay hanggang sa may maitalagang bagong Chairman ng Comelec.

Matatandang si Laudiangco ay una nang itinalaga bilang tagapagsalita ng Comelec ni dating Chairman Saidamen Pangarungan.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: