Authentication services ng ilang DFA consular offices sa NCR, magsasara pansamantala

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na pansamantalang magsasara ang authentication services ng ilang consular offices nito sa Metro Manila mula Hulyo hanggang Setyembre.

Ayon sa DFA- Office of Consular Affairs, ito ay dahil sa sasailalim sa “intensive” na pagsasanay ang mga tauhan nito sa DFA Aseana.

Ang authentication services ay unavailable sa mga sumusunod na petsa:

Sa Consular Office NCR West sa SM Manila ay mula Hulyo 18 hanggang 29.

Sa Consular Office NCR East sa SM Megamall
ay mula Agosto 1 hanggang 12.

Sa Consular Northeast sa Ali Mall Cubao ay mula Agosto 15 hanggang 26.

Sa Consular Office NCR South sa Alabang Town Center ay mula Agosto 29.hanggang Setyembre 9.

Sinabi ng DFA na ang mga walk-in applicants ay tatanggapin lang sa DFA Aseana sa Parañaque City.

Batay pa sa abiso, ang mga aplikante na may scheduled online appointments sa SM Manila mula July 18 hanggang 29 ay ia-accomodate sa parehong petsa sa DFA Aseana mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Dapat lang na dalhin ng mga ito ang appointment confirmation at documents.

Moira Encina

Please follow and like us: