Automatic exemption sa gun ban ng mga opisyal ng Comelec isinulong

Nais ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan na makasama sa awtomatikong binibigyan ng exemption sa gun ban ang mga opisyal ng poll body.

Lalo na ayon kay Pangarungan ang mga election officer na nasa field.

Dahil sa trabaho, hindi aniya maiiwasan na lantad din sa panganib ang kanilang buhay.

Ayon sa Comelec, sinasanay narin nila ang kanilang mga tauhan sa regional offices para sa paghawak ng mga aplikasyon para sa gun ban exemption.

Una rito, sa inamyendahang resolusyon ng Comelec en banc, hindi nalang sa Comelec main office pwedeng mag-apply para sa gun ban exemption kundi maging sa kanilang regional at iba pang election offices din.

Madz Moratillo

Please follow and like us: