Average COVID-19 cases na naitatala ng DOH aabot sa mahigit 2,000

Aabot sa 2,197 ang average na kaso ng COVID- 19 na naitala nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula September 5 hanggang 11, nakapagtala ng 15,379 kaso ng virus infection.

Mas mababa ito ng 10 porsyento kumpara sa naitala mula August 29 hanggang September 4.

May 12 namang naitalang bagong nadagdag sa bilang ng severe at kritikal habang may 300 bagong nasawi.

Sa 300 deaths na ito, 19 lang ang nasawi ngayong Setyembre.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: