Avigan trial hindi na naman nasimulan ngayong linggong ito

Kinumpirma ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na binigyan na ng go signal ang recruitment para sa Avigan trial.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay may inaayos nalang na dokumento patungkol sa insurance at sa oras na maisapinal na ito ay agad ng sisimulan ang Avigan trial.

Ngayong linggong ito dapat ay masisimulan na ang trial pero dahil may kulang pang dokumento ay hindi ito nasimulan.

sinabi pa ni Vergeire, posibleng sa susunod na linggo ay masisimulan na ang avigan trial.

Ang Avigan ay isang anti flu drug mula sa Japan na sinasabing nakakatulong sa pasyenteng may covid-19.

Sa Pilipinas kabilang sa mga site na tinukoy para pagsagawaan ng clinical trial para sa Avigan ay ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Madz Moratillo

Please follow and like us: