Background checking sa mga aplikante ng housing project isinagawa sa San Fernando City

Opisyal nang sinimulan ng pamahalaang lungsod ng San Fernando sa Pampanga katuwang ang Social Housing Finance Corporation (SHFC), ang background sa 937 mga aplikante ng housing project sa Barangay Panipuan.

Alinsunod ito sa inisyung memorandum of understanding ni Mayor Edwin “EdSa” Santiago sa SHFC, na magiging daan upang mabigyan ng oportunidad sa pabahay ang mga empleyado ng local government unit (LGU).

Ayon kay Local Housing and Settlement Division Chief, Louie P. Clemente, ang gawaing ito ay hudyat ng pagtupad ng alkalde sa kaniyang ipinangakong pabahay sa mga nasabing empleyado.

Lubos din ang pasasalamat ng alkalde sa SHFC, sa maayos na pakikipagsosyo at pagbibigay pagkakataon sa lokal na pamahalaan ng San Fernando na maging kasangkapan sa pagkakaloob ng pabahay.

Ulat ni Hazel Sevilla

Please follow and like us: