Bagong Covid-19 cases sa bansa mahigit 14,000 na naman

Umabot na sa 111,720 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 14,895 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 8,248 naitalang bagong gumaling.

May 258 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 30,881 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,791,003 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,648,402 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: