Bagong disenyo ng P1,000 bill, inilabas na

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong disenyo ng one thousand denominated banknote.

Sa bagong perang papel, tinanggal na ang larawan ng mga bayani na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos at pinalitan ng larawan ng Philippine eagle.

Ayon sa Bangko sentral ng pilipinas , sa Abril ng susunod na taon ilalabas sa merkado ang bagong perang papel.

Hati naman ang naging pananaw ng publiko sa isyu at para sa ilan hindi dapat palitan.

Ito ay dahil sa ang larawan na mga bayani ay sumisimbolo sa pagtatanggol sa soberenya ng bansa laban sa mga mananakop.

Meanne Corvera

Please follow and like us: