Bagong dormitory para sa mga Healthcare workers sa QC binuksan na

Bukas na ang bagong dormitory na ipinatayo ng Quezon City government para sa mga health care workers na nagtatrabaho sa Hope 2 Quarantine facility ng lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng naturang bagong dormitory kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaugnay nito dinagdagan ang bed capacity para sa probable at suspected Covid -19 patients.

Ayon sa City government, ang nasabing pasilidad ay para sa mga Covid-19 patients na kailanagan sumailalim sa quarantine.

Dito rin ina-accommodate ang mga Covid patients na naghihintay ng resulta mula sa community based  testing center.

Belle Surara

Please follow and like us: