Bagong Gusali ng LTO sa Imus City Cavite pinasinayaan na sa publiko.

Pinasinayaan na sa Imus City Cavite ang bagong gusali ng Land Transportation Office o LTO. 


Ito ang magsisilbing District Office ng ahensya sa Imus Cavite. 


Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, Cavite Governor Jonvic Remulla kasama ng mga opisyal ng Imus City Gov’t at ng mga opisyal ng LTO Calabarzon. 


Inaasahang pangnahin sa makikinabang dito ay mga motorista sa lungsod.


Mas mapapadali na rin at maiaayos na ang serbisyo ng mga opisyal nito sa naturang bagong tanggapan.


Magiging accessible na rin ito sa Land Transportation Management System (LTMS) para sa licensing transactions ng mga motoristang kukuha at mag aaply ng drivers license, application and renewal of driver’s license, MV (motor vehicle) registration, at iba pang transaksyon sa ahensya.

Please follow and like us: