Bagong Hall of Justice, itatayo sa Laoag City

Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado  Peralta ang groundbreaking ceremony sa lugar na pagtatayuan ng bagong Hall of Justice ng Laoag City.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, may lawak na 2,911-square meter  ang lokasyon ng Hall of Justice.

Magiging moderno at iconic rin anila ang istruktura na kapapalooban ng mga korte sa Laoag City.

Sinabi ni Peralta na ang bagong hall of justice ay katuparan ng sarili niyang pangarap bilang abogado, mahistrado, at Laoagueño.

Isang hakbang din anya ito para matupad ang hangad ng hudikatura na magkaroon ng maayos na working environment ang mga hukom at court employees.

Dinaluhan din ang seremonya sina Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc, Mayor Michael M. Keon, Court of Appeals Associate Justice Fernanda C. Lampas Peralta, Court Administrator Midas P. Marquez, at Deputy Court Administrator Raul Villanueva.  

Moira Encina