Bagong Hall of Justice ng Calamba City, Laguna, pinasinayaan

Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pagpapasinaya sa bagong Hall of Justice ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ang four-storey na gusali ay itinayo ng pamahalaang lungsod ng Calamba City.

Matatagpuan sa nasabing gusali ang lahat ng second-level at first-level courts sa Calamba.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Peralta sa Calamba City government sa pagpapatayo ng bagong hall of justice.

Pinapakita lang anya nito ang common vision ng hudikatura at ng pamahalaang lungsod sa pagkakaroon ng maayos na work environment para sa mga hukom at court personnel.

Naniniwala ang punong mahistrado na makakatulong tulong ito para sa mas maging epektibo, efficient at responsive ang pangangasiwa ng hustisya lalo na panahon ngayon

Moira Encina

Please follow and like us: