Bagong Immigration Commissioner isusulong ang modernisasyon ng kawanihan

Modernisasyon ng Bureau of Immigration ang pangako ng bagong Commissioner na si Norman Tansingco.

Ayon kay Tansingco, tinitingnan na nila ang mga paraan kung paanong mai-modernize ang Bureau sa pamamagitan ng e-services at man-less transactions.

Malaking bagay aniya ito para mapigilan ang mga iligal na transaksyon na nagiging dahilan ng korapsyon.

Isusulong rin aniya niya na maamyendahan na ang 82 taon ng Philippine Immigration Act para makaagapay ito sa kasalukuyang panahon.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: