Bagong Quarantine Facility sa Lanao del Norte , nakumpleto na ng DPWH

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways ang itinayong COVID-19 quarantine facility sa Iligan City, Lanao del Norte.

Ayon kay DPWH Secretary at isolation czar Mark Villar, ang quarantine facility na ito ay may 120-bed capacity.

Naiturn over narin ng DPWH ang nasabing pasilidad sa lokal na pamahalaan ng Iligan City sa pangunguna nina National Task Forcechief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kasama si DPWH Undersecretary Emil Sadain na kumatawan kay Villar.

Sinabi ni Villar na ang pasilidad na ito ay para sa mga covid patient at mga suspect case ng covid 19.

Itinayo aniya ang pasilidad na ito para matugunan ang lumalaking bilanh ng covid cases sa Northern Mindanao.

Ayon kay Sadain, sa ngayon ay nasa 240 na ang kabuuang COVID-19 bed capacity ng Iligan City.

Noong Agosto ay una ng natapos ang 2 quarantine facility sa lungsod.

Madz Moratillo

Please follow and like us: