Bagong SC Clerk of Court En Banc Atty. Marife M. Lomibao-Cuevas, nanumpa na sa puwesto

Pormal nang nanumpa sa puwesto si bagong SC Clerk of Court En Banc Atty.Marife Lomibao-Cuevas.Pinalitan ni Atty. Cuevas si Atty. Edgar Aricheta na nagretiro na sa posisyon.

Si outgoing Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Cuevas bilang Clerk of Court ng Korte Suprema.

Isinagawa ang oath taking sa SC Session Hall.Si Lomibao-Cuevas ay ang dating Deputy Clerk of Court at Executive Officer ng Clerk of Court En Banc.

Siya ay nagtapos ng kursong BA Political Science sa UP Diliman at ng abogasya sa Ateneo School of Law.

Kasama niya sa panunumpa ang kanyang asawa na si Dean Serafin Cuevas Jr. na Vice-President for Legal and External Affairs at Dean ng College of Law ng New Era University.

Moira Encina

Please follow and like us: