Bagong SC Justice Jhosep Lopez , nanumpa na sa pwesto

Nakapanumpa na sa pwesto si bagong Supreme Court Associate Justice Jhosep Lopez.

Si Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Lopez sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema.

Pinunan ni Lopez ang binakanteng posisyon ni retired Justice Priscilla Baltazar- Padilla.

Bago mahirang sa Korte Suprema, nagsilbing mahistrado ng Court of Appeals si Lopez sa loob ng siyam na taon.

Naging city prosecutor din sa Maynila si Lopez bago napunta sa CA.

Nakapasa siya sa 1988 Bar Examinations na may gradong 84.55 %.

Nagtapos bilang cum laude sa kursong Political Science sa UP Diliman si Lopez kung saan din siya nag-aral ng abogasya.

Moira Encina