Baguio City RTC Branch 6 mananatiling sarado dahil sa tatlong aktibong kaso ng COVID-19
![](http://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2020/12/IMG_20201228_071550.jpg)
Mayroong tatlong aktibong kaso ng COVID-19 sa Branch 6 ng Baguio City Regional Trial Court.
Dahil dito, ipinag-utos ni Presiding Judge Michael V. Francisco na patuloy na isailalim sa lockdown ang Branch 6 hanggang sa January 3, 2021.
Ito ay para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga kawani at court users.
Magbabalik sa normal na operasyon ang hukuman sa Enero 4 ng susunod na taon.
Moira Encina
Please follow and like us: