Bagyong Rolly, isa nang Super Typhoon, signal #5 sa Catanduanes

Lumakas pa at ngayon ay isa nang Super Typhoon ang bagyong Rolly.

Ayon sa DOST-PAGASA, alas dos ng madaling araw ngayong Linggo nang itaas ang bagyong Rolly sa Super Typhoon category.

Kaugnay nito, isinailalim na sa Tropical Cyclone Warning Signal #5 ang Catanduanes, Eastern Camarines Sur, at Albay.

Malaking pinsala dulot ng malakas na hangin ang inaasahan sa mga nasabing lugar.

Please follow and like us: