Bahagi ng EDSA sa North at West Avenue, QC, isasara ng 80 gabi para sa ginagawang MRT-LRT Common Station

Mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa susunod na 80 araw ay pansamantalang isasara ang bahagi ng EDSA malapit sa mga kanto ng North at West avenue sa Quezon city.

Ito ay upang bigyang-daan ang paglalagay ng steel girders ng ginagawang MRT at LRT common station.

Nagsimula itong ipatupad alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, July 19.

Pero batay sa abiso ng QC government at BF Corporation, mananatiling bukas ang nasa anim na lanes, 3 sa Northbound at 3 naman sa Southbound.

May mga itinalagang enforcer sa lugar upang gumabay sa mga motorista.

Please follow and like us: