Bakunadong bata na 5-11 y.o sa CALABARZON, lagpas 213K na

Mahigit 213,000 na batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang bakunado na laban sa COVID- 19 sa Region IV- A o CALABARZON

Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development-CALABARZON, kabuuang 213,424 na batang 5 hanggang 11 years old ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID.

Ang Cavite ang may pinakamalaking bilang ng nabakunahan mula sa nasabing age group na mahigit 81,000.

Sumunod ang Rizal.na nasa 46,000, Batangas na halos 39,000, Laguna na halos 35,000, Quezon Province na mahigit 7,000 at Lucena City na nasa 5,000.

Muling hinimok ng DOH CALABARZON ang mga magulang na iparehistro ang mga anak para sa COVID vaccination na pinakamainam na proteksyon laban sa severe at critical na sintomas ng virus.

Sa kabuuan ay 614,100 doses ng reformulated Pfizer vaccines ang natanggap ng rehiyon at nadala na sa iba’t ibang LGUs.

Moira Encina

Please follow and like us: