Barangay clustering sa Bacoor City, pinalawig pa

Pinalawig pa ng City government ng Bacoor ang Barangay clustering sa para sa mga magtutungo sa grocery store, mga mall at supermarket sa lungsod.


Batay sa inilabas na Memorandum no. 4 Series of 2020 ni Bacoor city Mayor Lanie Revilla, ang Brgy. clustering sa kanilang lungsod ay hanggang sa Agosto 31. 


Hindi muna pinapayagang magtungo sa mga pamilihan, grocery store, at supermarket ang mga hindi residente ng lunsod.


Obligado namang magdala ng Quarantine Pass ang mga residente sa lungsod kung magtutungo sa pamilihan, supermarket, o grocery store at kailangang nakasuot ng face mask at face shield bago ito papasukin sa mga nasabing establisimyento. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: