Batanes, isinailalim sa Enhanced Community Quarantine

Hindi pa halos nakakarekober sa pinsalang iniwan ng bagyong Kiko, tumaas naman ngyon ang bilang ng mga nagpositibo sa virus dahilan para Isailalim ang buong lalawigan ng Batanes sa Enhanced Community Quarantine o ECQ mula Setyembre 20, hanggang Oktubre 4.

Hanggang noong September 20, ay 100 ang nagpositibo sa RT-PCR o Rapid Antigen Test.

Sa kabuuan ay 121 ang active cases, 17 ang kabuuang nakarecover at zero casualty mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Patuloy namang pinapayuhan ang mga mamayan ng probinsiya, na laging sundin ang health safety standards para makaiwas at huwag makahawa ng sakit.

Nhel Ramos

Please follow and like us: