Batas na magpapaliban sa eleksiyon sa BARMM sa 2025, nilagdaan na ni PRRD

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11593 ang batas na magpapaliban sa first parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Batay sa batas sa halip na sa 2022 isagawa ang halalan sa BARMM, ipinagpaliban ito sa 2025.

Dahil sa pagpapaliban sa halalan sa BARMM, mananatili ang transition period hanggang 2025.

Binigyan ng karapatan ng batas si Pangulong Duterte na mag-apoint ng mga interim officials sa BARMM.

Vic Somintac

Please follow and like us: