BBM, bumisita sa puntod ng ama sa libingan ng mga bayani

Dumalaw si Presumptive president Bongbong Marcos sa puntod ng kanyang Ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa libingan ng mga bayani.

Sa kanyang official facebook account ay naka-post ang larawan ni BBM na naglalagay ng bulaklak sa puntod ng ama sa Taguig city.

Sa ikatlong araw ay patuloy ang pag-angat ng boto ni BBM na mahigit 31 milyon na.

Mas mataas ito ng halos 16 milyon sa bilang ng boto ni Vice presidential Leni Robredo.

Bagaman lamang ng mahigit 50% ang boto mula kay Robredo.

Ayaw pang angkinin ni Marcos ang panalo at nais na maging 100% ang bilangan.

Pinasalamatan din nito ang mga bumoto sa kanya, pamilya at lahat ng nagtrabaho para sa kanilang Uniteam ni Vice presidential candidate Sara Duterte.

Please follow and like us: