BBM nanguna sa kalye surveys sa 40 out of 45 lalawigan sa bansa

Nanguna si dating Senador Bongbong Marcos sa listahan ng mga presidentiable sa 40 mula sa 45 lalawigan sa bansa.

Sa pinakahuling Kalye Survey summaries ng SPLAT Communications, si Marcos ay nakakuha ng majority preference shares sa 40 mula sa 45 probinsya sa bansa.

Nasa 150,063 ang respondents sa nasabing survey na isinagawa sa 51 lalawigan.

Ayon sa SPLAT, hinihintay pa nila ang datos mula sa anim pang probinsya na kinabibilangan ng Antique, Basilan, Batanes, Camiguin, Dinagat Islands, at Guimaras.

Ang Kalye Survey summaries ay hinati sa tatlong episodes kung saan nanguna rin si Marcos.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: