BGC- Ortigas Link Road, posibleng buksan sa mga motorista sa Hunyo

Courtesy: DPWH Sec. Mark Villar

Target ng DPWH na buksan sa Hunyo ngayong taon ang Bonifacio Global City- Ortigas Center Link Bridge.

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na sa oras na matapos ang proyekto ay magiging 12 minuto na lamang ang haba ng biyahe sa pagitan ng BGC at Ortigas Center mula sa isang oras.

Ilan pa sa tinatapos sa road project ay ang median barrier, parapet, at ang installation ng street lights.

Kapag anya makumpleto na ang up and down ramps malapit sa Kalayaan Avenue ay pwede nang buksan partially ang link road.

Inaasahan ng DPWH na matatapos ngayong taon ang buong 1.367-kilometer BGC-Ortigas Road Link Project kabilang ang Lawton Avenue – Global City Viaduct.

Nagkakahalaga ng Php1.79- B ang proyekto.

Moira Encina

Please follow and like us: