Bigtime oil price rollback asahan ngayong linggong ito

Matapos ang 11 magkakasunod na linggong oil price hike, asahan naman ang malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Sa weekly forecast ng Unioil Petroleum Phils., inaasahang bababa sa P10.70 hanggang P10.90 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang maglalaro sa P5.10 hanggang P5.30 naman ang inaasahang bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Ang price rollback ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nauna nang ipinalutang ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang fuel price rollback nitong mga nakalipas na araw dahil sa development sa sigalot ng Russia at Ukraine.

Please follow and like us: