Active cases ng COVID- 19 sa Maynila bumaba na

Bumaba na sa 25 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Batay ito sa datos ng Manila Health Department ngayong araw Hunyo 20.

Sa monitoring ng MHD, may 2 bagong kaso lamang ang nadagdag sa lungsod.

Wala namang naiulat na bagong nasawi.

Ang Maynila ay isa sa mga Lungsod sa Metro Manila na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 .

Sa kabuuan, mula ng magsimula ang pandemya, umabot na sa 116,288 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: