Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON bumaba

Bumaba na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Calabarzon.

Batay sa tala ng DOH Reg. 4A, nasa 20,795 na ito ngayon.

Naragdagan din ang bilang ng nakarekober sa sakit, kung saan nakapagtala ang DOH ng 3,154 na bagong recoveries, kaya’t pumalo na sa 134,173 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Nasa 159,765 naman ang may kumpirmadong kaso ng virus, habang nasa 4,497 na ang bilang ng mga nasawi.

Jet Hilario

Please follow and like us: